Linggo, Pebrero 17, 2013

Baguio City




     Ang lugar na kung saan nakatayo ang lungsod ay unang tinirhan ng mga katutubong Ibaloi at Kankana-ey. Una itong naging pastulan ng mga baka at mga iba pang alagang hayop.Noong taong 1901, inumpisahang gawin ang "Kennon Road". Sa pamumuno ng mga Amerikano at sa tulong ng mga manggagawang Pilipino at mga Hapon, inukit ang daanang ito sa pagitan ng mga bundok at sinusundan ang ilog ng Bued mula sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union hangang sa Kafagway. Naging madali ang paglalakbay patungo sa lugar na ito, at pagkatapos ng ilang taon ay lumaki ang populasyon. Idineklarang "Summer Capital" ng "Philippine Commission" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo taong 1903.
        
        Ilan lamang iyon sa aking mga nalaman ukol sa Baguio. Nalaman ko rin na ang imahe ng malaking ulo ng leon na lagi naming nakikita sa telebisyon ay tinatawag na Lion's Head sa Kennon Road. Nagkaroon na ng tinatawag na Transient House sa Camp John Hay. Tuwing umaga, mistulang kumakaway sa iyo ang bilog na bilog na araw na sinasabing "Gising na!!!" Damang-dama ang malamig na simoy ng hangin na  dadampi sa iyong balat.Nakakatuwang isipin na nananatili parin ang kultura ng Baguio. Mula ulo hanggang paa, makikita mo ito, lalo na sa mga bulubunduking parte ng paraisong ito.Idagdag mo po ang matatamis na produkto nito mula sa strawberry. Katulad na lamang ng Strawberry Jam at Jelly na aking ipinasalubong sa aking mga makukulit na pinsan. Kapansin pasin na dumadayo ang mga turista masilayan lamang ang Summer Capital of the Philippines. Hindi na nakapagtataka ito, sa ganda,linis at sinlamig ng yelo na klima ba naman ng Baguio, di ba? Sa dapit hapon naman'y maaaring sumakay ng kabayo sa Wright Park habang iniikot ang paningin sa Swan Lake na kailangang ipadyak ang paa nang ito'y umandar. Nasabi ko na ba sa inyo na kaya tinaguriang Summer Capital of the                           Philippines ang Baguio ay dahil sa kakaibang klima nito? Malamig kasi ang klima sa Baguio kaya patok na bakasyunan ito lalo na tuwing tag-init. Dahil dito, madaling mabuhay ang mga bulaklak at halaman at dito nagsimula ang Panagbenga Festival. Napakakukulay at napakagaganda ng mga float ng bulaklak ang pumaparada sa daan!!! Habang ako'y nanonood, hindi ko maiwasang amuyin ito kaya sabi ng tita ko "Grabe ka naman maka singhot dyan!!! Ubos na  yun amoy!!!" Natawa ako sa sinabi niya.


Habang pinagmamasadan ko ang kabuuan ng Baguio, may tumalima sa aking isipan. Nasabi ko sa aking sarili, "Sana ang lahat ng Pilipino ay makapunta upang  makita ng kanilang dalawang mata ang tunay na ganda ng Summer Capital ng Pilipinas, ang Baguio City...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento